Wednesday, May 10, 2006

- detach -

"But by throwing yourself into these emotions, by allowing yourself to dive in, all the way, over your head even, you experience them fully and completely. You know what pain is. You know what love is. You know what grief is. And only then can you say, 'All right. I have experienced that emotion. I recognize that emotion. Now I need to detach from that emotion for a moment.' "

- tuesdays with morrie -


Isa lang ibig sabihin kapag may bagong entry dito, siempre at my most instense surge of emotion.. From the book I read, tuesdays with morrie, it says there detach from feelings. Akala ko it means to say that we should be cold hearted, then I realize that he means otherwise. That you have to actually immerse yourself to the feeling, acknowledge it, then detach from it. That it is after you have acknowledged it that you can separate yourself from it. That you cannot detach from it if you have not known how it feels.

That is why I acknowledge that I
... am angry for letting myself react this way
... am saddened at the thought that I'm being neglected by someone close to me
... am missing him terribly

Detach.

Friday, April 28, 2006

isaw ko...

Alam na alam mo na habang tumatagal lalo akong na-iinlab sayo. Ok lang. Wala naman akong hinihingi sayo. Masaya naman ako sa kung ano man ang meron tayo. Pero alam ko darating ang panahon, mababago ung binibigay mong atensyon na nagpapasaya sakin. Ayokong maging problema mo ako pagdating ng oras na yun na nakita mo na siya. Alam mo gustong gusto kitang mahalin pero it will not do us any good so try ko ilipat ung iba kong atensyon sa iba. Para ka kasing magnet eh. At hindi lang ako ang nagmamagnet mo, marami kami. Ma-pride ako eh.. hindi ko matanggap na pati ako namagnet mo rin.

I want more from you but I have to be settled on what we have because I don't want to lose you.

I tried to shift my attention away from you, give it to others only to realize that my attempts are nothing but futile. Sino ba ang niloloko ko? Kasama ko man si Superman sayo pa rin ako sasaya.

Ang sabi, sino ba ang gugustuhin mo ung taong mahal mo o ung taong mahal ka?

Naman, sayang yung isang yun kasi talaga naman mahal nia ako. Sinubukan ko naman ibaling sa kaniya eh. Pero kumbaga sa pagkain kulang sa lasa. Salat sa linamnam. Ikaw pa rin kasi ung hinahanap ko.

Kala mo ikaw lang ang magnet ha. May namamagnet din naman ako. Ang totoo, lamang talaga ito ng isang baldeng pampaligo sayo. Naiinis na ako kasi parang ung utak ko napunta na sa talampakan ko. Kumbaga sa pagkain para siyang dessert na sa sobrang tamis hindi ko maubos, hindi ko ma-take, nakaka-umay. Hindi tulad mo, parang isaw lang pero uulit ulitin.

Napansin ko lang, kapag ikaw ang kasama ko, kahit hindi tayo kumain, kahit magkwentuhan lang tayo, kahit magtext lang tayo, wala na akong hinahanap pa. Masaya ako, ganun ka-simple yun.

So ano bang gagawin ko? Wala lang. Antayin ko na lang magnormalize ang panlasa ko sa mga bagay bagay. Darating na lang yung time na yun. Bakit ko ba iisipin yun, sa ngayon i-eenjoy ko na lang yung pagkaing pinapatikim mo sakin.

Sunday, March 05, 2006

- kapag crush mo ang tropa mo (Part 1)-

Typical story ng taong crush ang tropa nia. In one way or another alam ko makaka-relate ka.

Hinayaan ni Lord na magkaroon ng dahilan para magsama kayo. Klasmeyt, katrabaho, ka-hobby, anupaman yun ang bottomline nagkasama kayo to start a meaningful relationship. Friends. Ayos, kabatak, katawanan, kabatukan, kaasaran, walang conflict, walang problema. Always present sa lahat ng lakaran, sakto ang joke nio pareho, may apir pa o kaya tapik sa balikat habang kita na ngalangala mo sa kakatawa. From acquaintance, to close friends, to closer friends to bestpren. Perfect.

Then one day.

Ang sama ng pakiramdam mo. Sinisipon, masakit ang ulo, masakit ang tiyan, najejebs. It doesnt matter basta masama pakiramdam mo at heto si bestpren, concern. Offer ng gamot, offer ng masahe sa ulo, tanong maya maya nga "ok ka lang ba?", offer ng pagkain, binili ka ng tissue kung sakaling majebs ka. Ikaw naman masama man ang pakiramdam mo pero hindi naman damage ang brain mo dahil na-store ng brain mo lahat ng mga detalye ng pinagagawa ni bestpren. Kung ilang beses ka tinanong, kung kanan ba o kaliwa yung kamay na ginamit nia para alamin kung may lagnat ka. At remember kung pano kang nag-inarte pa lalo sa sakit mo kasi feel mo yung concern nia? Pagdating ng gabi, as you reminisce on the events of the day, mas madalas mo na maisip ung lahat ng pinagagawa nia sayo, pati mga ginawa nia in the past iniisip mo rin thinking kung may meaning ba yun. Tinitingnan mo ngayon kung paanong nag-grow ang iniong pagkakaibigan. Iniisip mo kung mahalaga ka ba sa kaniya, at least kahit bilang kaibigan (plastik!)

The next day.

Medio naisipan mo magtali ng hair, for a change naman di b? Ok lang naman yun di ba? Wow, narealize mo bagay rin pala sayo ang naka-tali hair. Feel mo ang putla mo kaya a little bit of blush sa cheeks will do no harm di ba. There. You feel good. You look good. Parang excited ka na. All smile, parang hindi ka mabibwisit sa araw na ito. Here come si bestpren, nothing unusual, binati mo ng good morning, konsyus ng konti na d mo maintindihan. Defensive ang brain mo, sinabi na konsyus ka dahil baka asarin ka. Pero ang totoo, konsyus ka kasi baka mapansin niya na nag-effort ka magpaganda. Panalong sabi ni bestpren, "ok ka na ba?" Grabeh, ang chubby ng puso mo di ba. Mahalaga ka sa kania, sigaw ng puso mo. Ang sagot mo, "i feel a lot better thanks." Panalong hirit ni bestpren, "mukang hindi pa eh, tingnan mo ang pula mo.. "

The next couple of days.

Nabibwiset ka sa sarili mo. Kasi wala kang ma-hirit na something smart sa mga jokes ni bestpren. Hanggang tawa lang contribution mo sa inyong barkadahan. Struggle ka sa sarili mo kung paanong magplay cool. Yung dating pag-akbay kay bestpren, ngayon 100 times mo muna iisipin bago gawin. All actions ineevaluate mo na kung ok lang ba yun o hindi. Medyo sensitive ka na rin at matampuhin kapag may hindi nagawa si bestpren. Pero siyempre you try your best para wag ipahalata yung tampo mo pero halata pa rin kasi gusto mo rin ipahalata para lambingin ka nia de vah?.. Napapraning ka kasi ang energy mo nakatuon sa pag-tingin sa actions nia at actions mo. Pakiramdaman. Ang dami mo nang napapansin kay bestpren. Cute pala siya tumawa. Cool guy. Ganda ng hair nia, gwapo nia kapag ung white na polo suot nia, ang bango nia lage, lahat na maganda. Ok lang sayo kahit makapal labi nia (dati ayaw mo nun eh), ngayon tingin mo cute na ung mata nia na dati nilalait lait mo. Mahal mo na ata siya. Ata, di ka pa sigurado eh.

-- sway

I let myself drown to this stupidity. World of fake smiles and pretensions. Working harder to ignore the things that involves you. A struggle everyday smarting over the sentiments of my heart. For how long will my head seeks to win over my heart. I got to draw the line, fast. Losing battle. To see you fills the holes in me, to talk to you completes the missing pieces of me, to be close to you makes me need no more. To love you will just be too much for me. I cannot want more from you. I cannot love you. I just can't. Love you. Most tempting. No.

Saturday, February 25, 2006

- text

Selfish? Siguro nga. Sana kasi ako lang yung may ganiyang treatment. Yung pagpunta sa danger side kapag tumatawid tayo. Yung pagtatanong kung ok lang ba ako kapag hindi ako nagsasalita. Yung pagpapa-alala na uminom ako ng gamot kapag masakit ang ulo ko.. Yung pagtetext sakin tuwing umaga at gabi. Mga simpleng text na nagtatanong nang "ano gawa mo?" o kaya naman "san ka?". Simpleng text lang yun pero dama ko na kahit papano miss mo ako. Siguro nga miss mo ako, miss mo yung pangungulit ko o kaya naman marahil wala ka lang magawa kaya naisipan mo ako i-text. Anupaman yun, di na mahalaga sakin basta ang importante sakin ako ung hinahanap mo.. Yun lang sana ako lang yung hinanahanap mo. Sana ako lang yung text mo na ganun. Wish ko lang ako lang ung may ganung atensyon. Nakakapraning di ba? kasi magkaibigan lang naman tayo e, at di naman pedeng maging tayo.. araw araw na kakantahin ng puso ko ung "..why can't it be, why can't it be the two of us..why can't we be lovers, only friends.." Ewan. Bakit ba kasi ikaw pa? Panget ka naman.. pero miss pa rin kita

Mr. Feeling Husband-to-be

Eto yung guy na dinaanan tlga ung traditional na panliligaw. Nanay ko muna niligawan bago ako. Ayos sa strategy kasi nung approve kay mama parang added pressure na maging approve sakin. Naging kami ng hindi ko talga naisip kung mahal ko ba o dahil mahal ng nanay ko. Ok naman, sobrang alaga tlga ako at dahil traditional tlga ang style nia lahat ng okasyon may bulaklak ako, white rose. O san ka pa?!? white means pure d b? Feeling husband to be na tlga dahil kinilala na nia lahat kamaganak ko, hatid sundo sa pagpasok, pagkatapos ng dalaw usap nmn sa telepono, sa lahat ng ginagwa ko lage siyang nasa eksena. Ano nangyari? Pakiramdam ko I am missing a lot of things kasi lage siya andun. The need to grow (studyante pa lang ako) yun ang damang dama ko.. Naumay. Nung magbreak kami, di lang siya nalungkot, pati mga kamaganakan ko. Pressure di b?

Sunday, February 19, 2006

- distant -

The stronger part of me resist to acknowledge the plea of my soul. I know that there is something inside me that is desperate to cry out, in despair to feel the pain. Numb. In every attempt to gather the broken pieces of me, the more I see how scattered my life is before me. How do you start all over again? I have forgotten how. Somehow when I asked you to leave me in my mind it was because I wanted my life back. But how could you be so selfish to take it with you. Now nothing's left to me except the memories and the pain. What a waste. A stranger to myself now, distant and confuse. I thought I'm seeing it all so clear, the way I have envisioned my life to be. Well, I was wrong. As I try to find deeper purpose of my life, the more sarcasm laughs at my face, the more cynicism comforts me. Pitch black. Lost. Is there anyone with me here?

Thursday, February 09, 2006

CoMmEnT LaNg 'To

Siguro gugustuhin ko tlga na itanong sayo yung mga tanong na.. PAANO NGA KAYA?.. un lang, dahil baka hindi ko makayanan ang isasagot mo sa tanong na yun di bale na lang.. tama ka, hindi ko malalaman kung kelan ka seryoso o nagbibiro lang pero dahil ayokong magmukang tanga sa pag-aakalang special ako sayo kaya mas tamang ipagpalagay na biruan lang ito.. So kung bibiruin ba kita ng tanong "Paano nga kaya kung?" ano kaya isasagot mo?" hehe joke lang wag mo sagutin. Yun lang wala akong powers eh, pero kung meron tlga papasukin ko ang puso nung prinsesa mo, pati ung isip nia.. pero wag ka mag-alala dahil hindi ko babaguhin ung laman nung mga un dahil alam kong ayaw mo nun.. pero papasukin ko para lang malaman kung ano ang di nia nakikita sayo.. dahil maliwanag pa sa sikat ng araw ang mga katangiang nakaka-inlab sayo.. pero paano nga kung sa mapagbirong pagkakataon eh dahil sakin makita nia ung mga bagay na nakikita ko sayo, maramdaman nia ung mga bagay na nararamdaman ko, alam ko magiging masaya ka. Sana kasabay nun maisip mo kung pano kong ginusto na maging masaya ka, na sa bawat lambing ko sayo marealize mo na gusto ko lang na wag ka masyado malungkot sa kawalan nia, na hindi ko hinangad na angkinin ka, ginusto ko lang talaga na makita kang masaya.

Maisip mo kaya?! Senti noh, balik na lang tayo sa biruan...

Monday, January 16, 2006