Friday, April 28, 2006

isaw ko...

Alam na alam mo na habang tumatagal lalo akong na-iinlab sayo. Ok lang. Wala naman akong hinihingi sayo. Masaya naman ako sa kung ano man ang meron tayo. Pero alam ko darating ang panahon, mababago ung binibigay mong atensyon na nagpapasaya sakin. Ayokong maging problema mo ako pagdating ng oras na yun na nakita mo na siya. Alam mo gustong gusto kitang mahalin pero it will not do us any good so try ko ilipat ung iba kong atensyon sa iba. Para ka kasing magnet eh. At hindi lang ako ang nagmamagnet mo, marami kami. Ma-pride ako eh.. hindi ko matanggap na pati ako namagnet mo rin.

I want more from you but I have to be settled on what we have because I don't want to lose you.

I tried to shift my attention away from you, give it to others only to realize that my attempts are nothing but futile. Sino ba ang niloloko ko? Kasama ko man si Superman sayo pa rin ako sasaya.

Ang sabi, sino ba ang gugustuhin mo ung taong mahal mo o ung taong mahal ka?

Naman, sayang yung isang yun kasi talaga naman mahal nia ako. Sinubukan ko naman ibaling sa kaniya eh. Pero kumbaga sa pagkain kulang sa lasa. Salat sa linamnam. Ikaw pa rin kasi ung hinahanap ko.

Kala mo ikaw lang ang magnet ha. May namamagnet din naman ako. Ang totoo, lamang talaga ito ng isang baldeng pampaligo sayo. Naiinis na ako kasi parang ung utak ko napunta na sa talampakan ko. Kumbaga sa pagkain para siyang dessert na sa sobrang tamis hindi ko maubos, hindi ko ma-take, nakaka-umay. Hindi tulad mo, parang isaw lang pero uulit ulitin.

Napansin ko lang, kapag ikaw ang kasama ko, kahit hindi tayo kumain, kahit magkwentuhan lang tayo, kahit magtext lang tayo, wala na akong hinahanap pa. Masaya ako, ganun ka-simple yun.

So ano bang gagawin ko? Wala lang. Antayin ko na lang magnormalize ang panlasa ko sa mga bagay bagay. Darating na lang yung time na yun. Bakit ko ba iisipin yun, sa ngayon i-eenjoy ko na lang yung pagkaing pinapatikim mo sakin.

No comments: